all the small things

alam mo kinakatakutan ko ngayong mga panahon na to..yung maiwan sa mrt.. yung tipong hindi ka makababa sa dapat mong babaan kasi sobrang sisikan..at kailangan mo pang makipagsapalaran para makalabas o di kaya mag-crowd surf.. para kang nasa rock concert sobrang box office hit ang mrt lalo na pag rush hour.. feeling mo tuloy pumipila sa opening ng don’t give up on us..sheyt!


alam mo ba na kapag isang station na lang bago sa stop ko ay sobrang kumakabog na ang puso ko na para bang sasabog na sa kawalan at tuluyan na akong tatangayin sa ibang daigdig.. dahil sa letcheng mrt na full pack.. mas marami pa yata ang papasok kesa sa bumababa… kung hindi nga lang convenient na sumakay dito magtataxi na lang ako araw-araw.. kaso lang bukod sa mura na.. mabilis pa.. *dapat siguro may talent fee ako sa pag-puplug ng mrt..

anyway wala lang akong maisip na topic ngayon.. aside from the fact that i have to do some errands for myself..na tinatamad nanaman akong gawin kasi nga today is my sabbath day. yup, rest day ko ngayon..wala lang..nsa internet cafe na2man ako.. nalululon sa blog na ito na wala namang bumibisita dahil…boring na man bumasa ng kung anu-anong pinagsasasabi ko.. mas maganda ksing tingnan yung blog na maraming pictures kesa yung puro text LANG dba??

ang totoo hindi ako marunong masyado magcustomize ng blog ko…ano ba ang pinagkaiba ng css at html at bakit palaging parang puro na lng acronym ang programming language.. sino c java? at bakit may script siya? anong ba ang equivalent ng c++.. mas mataas ba cya sa C+ na ang equivalent grade sa school namin ay 86 na siyang grade ko rin sa philosophy of religion..na pinakaayaw kong subject sa philosophy bukod sa hindi ko tlaga magets ang philo ay talagang boring lang siya kung kaya’t feeling ko wala talaga akong natotohan at feeling ko ay palagi akong inaantok at sino naman talagang hindi aantokin sa mga oras na yun.. e- ala una y medya ng hapon yun eh..kung kaya’t kasumpa-sumpa talaga ang pagkakataon na napasok ako sa claseng yun..na kung saan nahahati ang clase sa dalawa “fatalists” na katulad ko at yung iba ay iba rin ang pananaw. nakalimutan ko na ang tawag sa kanila sa sobrang antok ay hindi ko na naabsorb ang pinagsasasabi ng pari kong teacher na amoy putok.. oo, amoy putok… peks man.. panong hindi ko maamoy e nasaharap niya ako palagi.. bad trip nga…

fatalistic na talaga ang pagkakatapon ko sa clase kong yun…dahil the next sem natanggal ako sa honors list dahil sa kanya.. sa subject nya lang.. letche.. why God? why?


ang galing ko magconnect noh? from programming to philo..hmmm.. anyway, balik tayo sa programming.. kailan lang e may tumawag saking employer inviting me to take an exam.. so i said why not.. even though hindi na ako isa sa majority ng population ng philippines *young and underpaid*

but anyways, i decided to go.. although, i’ve heard a lot of rumors na pamatay daw ang exam dun.. tinamaan ng lintik.. totoo nga..first half palang lugaw na utak ko.. leche pina-take ba nman akong programming exam.. as if may alam ako dun? siguro hindi nman talga nila binasa resume ko.. ;masnilagay*ba ko dun na “language proficiency:english, filipino, C++, java, cobol>>{))009”}

WALA! e bakit pa ko papa-takin nun.. kung alam naman nila na wala akong maisasagot na matino.. bukod sa ng one two three lang ako at nag-ini mini my-ni moe para makahagilap ng sagot e talagang matapos ma sagotan ang 100 item questionnaire na yun e nabadtrip lang ako sa katabi ko na punong-puno ang scratch paper at nainis na rin ako sa sarili ko na hanggang ngayon ay sinisisi ko parin dahil sa galing niyang magsales-talk… ewan ko ba kung pano ko nakumbinsi ang sarili ko na patulan ang test na yun..

heto ngayon at dahil sa desisyon na yun ay patuloy ko pa ring pinapahirapan ang sarili ko dahil mamaya ay inischedule na ko for an interview.. letche talaga…why God why?


kaya ngayon, mag-lolog out na ko para mgprepare.. sa lahat panaman ng ayaw ko ay yung pagbebenta ng sarili.. aside from the fact na takot ako na maiwanan ng mrt..

why God why?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s